A Letter to the Alaska Aces from a Longtime Fan

Through thick and thin, a fan’s passion endures

With the Governor’s Cup about to begin, one Alaska fan sends a heartfelt leter to his favorite team.

 

Dear Alaska Aces,

 

 

Longtime fan po ako. Matagal ko na kayong pinapanood. Nung nagsimula po ako nung 90’s maglaro ng basketball, naging idolo ko na po si Jolas. Idol ko po talaga siya. Mula sa lahat ng galaw niya, sa shooting, sa pag saksak, hanggang sa kung pagiging lider niya ng team, sinubukan ko po siyang gayahin. Marami pa akong masasabi kung bakit ako hanga sa kanya, pero ang pinaka tumatak po sa akin ay kung paano niya na-iinspire yung mga teammates niya sa kanyang asal at sa leadership. Mula doon nabubuo yung pagka solido ng Alaska team. Susulong sila sa giyera nang sama sama. Nananalo sila nang sama sama, nananaig sila sa kahirapan nang sama sama. Na-inlove ako sa koponan ng Alaska dahil sa pagkakaisa nila, sa gutom nila sa pagkapanalo, at sa passion nila bilang iisang team. Iisang kapatiran.

 

Isang pamilya. We not me.

Inaantabayanan ko palagi sa TV ang bawat laro para lang makita, matuto at ma inspire. Palagi yun. Halos walang mintis ko silang mapanood. Noon, pagkatapos ng eskwela, diretso agad sa court para subukan yung mga nakita kong ala-hoy moves ni Johnny A. Ngayon, pagkatapos ng pukpukan sa trabaho, inaantabayanan ko pa rin po, kasama ng mga chikiting ko, ang bawat kasa at galawan nina Calvin, Sonny, Dondon at JVee.

 

Naaala ko yung panahon nina Bong Hawkins, at Rodney Santos at Kenneth Duremdes paborito ko pong era ng Alaska yun. Napagkwentuhan na rin ako nung panahon nina Bogs at Yoyoy at kung paano nila binigay lahat para sa team nung 80’s Yung mga kampyonato natin nung 90s, na nagpakita talaga sa teamwork at championship spirit natin, naipagpatuloy nating i-demonstrate noong 2000s at 2010s.

 

Mula kina Shawn Chambers at Devin Davis, kina Dickey Bachmann at Kevin Ramas, Mike Cortez at The Jet Cariaso. Kina Cyrus, LA, at Gabby Espinas… kung paano umaalab sa kaluluwa nila ang pagiging kampeon, yun ang nakikita ko sa inyo ngayon, ALASKA ACES. Konting pursigi lang, konting piga pa at alam kong makakamit din natin ang hinahanap na pang labing limang championship.

Sa lahat ng hirap, pagkapanalo, at pagkatalo, kasama niyo po ako. THROUGHOUT THE YEARS PO wala talagang tigil sa pagsuporta. Sa bawat isang laro po na pinapanood at pinupuntahan ko, lagi po akong naniniawala na kaya niyo po siyang ipanalo. At kahit dehado po ang kinalabasan, alam ko naman na ibinigay ninyo lahat. Para sakin puso po yun ng tunay na kampeon.

 

Buong buhay ko po ay labis ang paniniwala sa inyo at hinding hindi po yun magbabago. Gusto ko lang pong malaman ninyo yun sa sulat na ito. And I’m sure marami ding ibang makakapagsabi ng ganitong klaseng pakiramdam para sa inyo. Isa po tayong pamilya.

 

Maraming salamat po sa inspirasyon na nabibigay ninyo sa amin. Sana po sa walang sawang pag suporta at pag cheer naming mga diehard fans, maipadama namin ang pagmamahal para sa inyo ALASKA ACES.

 

Wala pa ring tatalo.

 

 

Nagmamahal,

 

 

Kevin Guerrero

Longtime Aces Fan

Leave Comment